M A L I B O G!






Malibog ka, malibog ako, malibog tayong lahat. Lahat tayo ay pinanganak na MALIBOG

Ako si Mr. LeeBog. Isang pamenchus na bawat sagundo ay walang ibang inisip kundi ang sex, pakikipagniig, pakikipagbonahan at pakikipagdookit.

Ang blog na ito ay ginawa ko para ibahagi sa inyo ang iba't ibang istorya ng kalibugan ng mga becky, bading, bakla. Ang mga istorya dito ay hango sa iba't ibang kwento ng mga miyembro sa iba't ibang yahoogroups. Kung maselan kayo sa mga ganitong topic, I suggest isara nyo na ang browser na ito at pumunta na lang kayo sa website ng Sesame Street. Pero kung game ka sa ganitong mga kahalayan... halika na... dalian mo... lalabas na... SIMULAN NA ANG LIBOG!


Image hosted by Photobucket.com

C H A T . N A!

Free Java Chat from Bravenet.com Free Java Chat from Bravenet.com


N I L A B A S A N


M G A . P U N O . N G . L I B O G!



H O T . L I N K S!



U M U N G O L . K A . S A . S A R A P!




M R . L E E B O G . D E F I N E D


MModern
RRaw
LLegendary
EElitist
EExtreme
BBrutal
OOrganic
GGrungy

Name / Username:




H O T . M E N C H U S . O F . T H E . M O N T H!


Andrew Wolf









S E X . C A L E N D A R




S P O N S O R S


Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com

L O O K I N G for S O M E T H I N G ?



Want to give your comments? Email me!


Nag-iinit ka ba sa mga kwento ko? Email mo na lang ako!


M G A . B O S E R O


www.coolcounters.com


W H A T ' S . H O T?






E V E N T S


PUSSYCAT DOLLS' "BEEP" release party!
Friday March 17, 2006
Attire:dress as your favorite Pussycat doll!
Government Bar


March 18, 2006
Saturday 9pm
Friday's Bar
Unit 4, 5, 6 Nevada Square,
1 Loakan Road, Baguio City
(near the entrance gate of Camp John Hay)



Thursday, March 23, 2006
10 pm onwards
School's Out! Hot, young and looking?
This is your night!
Free drinks until supplies last!
Government Bar, Makati City
Music by Brit
Attire: Sexy beach wear!
Want to know more? Just visit Kokunevents.com


PINK SATURDAY -- MARIAH CAREY NIGHT!
IN CELEBRATION OF THIS DIVA'S BIRTHDAY...
March 25, 2006
Let's all come together to celebrate this diva's birthday! Other divas, set aside! NO STRESS, NO FIGHTS, IT'S MIMI'S NIGHT!
Government Bar
Music by BAM DEL VALLE


T H A N K you! S E X na I T O!



Mga Istorya ng Kalibugan

Saturday, July 16, 2005

* Tunay na Kaligayahan *

by John Alter



Pasado alas nuebe ng dumating ako ng simbahan. Nagdaratingan na rin ang mga bisita at kamag-anakan. "Congratulations John!" bati ng ilan. Nasa labas ako ng pintuan ng simbahan at inaabangan ang pagdating ng aking magiging asawa. Matagal ko ring pinangarap ito... habang nakatanaw sa loob ng simbahan... kay sarap pagmasdan ng mga puting bulaklak at ang ribbon na dugtong-dugtong patungo sa harapan. Masasaya ang mukha ng mga kamag-anak at mga malalapit na kaibigan at bisita. "Ganito ang pinangarap ko... pero may kulang, wala ang best friend kong si Bryan," bulong ko sa sarili. Kung narito lang siya mas kumpleto ang kasiyahan ko.


Magkasama na kami mula grade school ni Bryan... lampayatot tawag sa kanya kasi lampa at payat, pero maputi at matalino siya. Sabay din kaming nagenroll ng high school. Masaya dahil hindi nagbago ang samahan namin kahit maraming problema ang dumating. Ako ang tagapagtanggol niya pag may nangaasar o nakaaway. Siya ang nakaalam ng una kong syota noong 2nd year, break-up, syota uli ng iba hanggang ma-inlove ako noong 4th year.


Masarap kasama si Bryan, tahimik at laging nakikinig. Ako naman maloko, palabiro, makwento... kengkoy, kalog... ako na yata nagturo sa kanya ng kalokohan e. Kapag summer sinasama ako ng family niya sa beach overnight... iinom kami ni Bryan ng tig-isang beer sa dalampasigan... maglalakad... ako lagi ang umaakbay sa kanya kasi mas matangkad ako. Mahilig akong mangasar... kinikiliti ko siya... dyan siya galit na galit. Nagiisang anak at may tiwala ang mga magulang niya sa akin kaya malapit ako sa pamilya. Pag may problema siya... ako ang takbuhan... patatawanin ko lang yan at yayakapin habang kinikiliti. Marami kaming gimik at kwentuhan... kwentuhang seryoso pero kung minsan mababaw... wala lang. Wala na yata akong sekreto na naitago sa taong yan kahit nga nunal ko sa ano... at nagiisang maliit na tatoo na nakatago ay siya lang nakakaalam. Napagkakamalan na kaming kambal o magkapatid sa malls pag nagsa-shopping. Nililibre ko rin siya paminsan minsan pero kadalasan siya ang taya...nahihiya nga ako pero... di daw dapat ako mahiya kasi makapal naman daw mukha ko.


Noong high school ako natutong mag "I love you" sa mga nililigawan ko kasi siya ang lalaking pinagpa-praktisan ko sabihan ng I love you. Natatawa lang siya pag binabanggit ko ang mga salitang ito sa kanya sa ibat ibang paraan -- romantic, very romantic, pabigla na kunwari ay may bulaklak, minsan may kasamang halik sa hangin. Para kaming mag syota pag pinagpa-praktisan ko siya. Muntik ng magbago ang lahat ng minsan lumapit ako sa kanya para samahan sa problema...


"Bryan samahan mo 'ko mamaya..." bati ko minsan isang hapon. Pinuntahan ko siya sa bahay bandang alas siyete at niyayang lumabas pero tumanggi siya dahil wala raw tao sa bahay at bukas pa ng gabi dating ng mga magulang niya galing sa lamay ng isang kamag-anak. Tinanong ako ni Bryan kung bakit gusto ko lumabas. "Wala lang," sabi ko pero alam niya na malungkot ako. Pinapasok niya ako sa loob at inalok ng maiinom.


"Tubig, Juice... o baka naman beer?" alok na pabiro ng mokong. May natira pa kasi ang erpat niya kagabi ng dumating yung bisita. Nabigla siya ng sabihin kong beer... binuksan naman ng gago at binigay sa akin. Dahil kahiya kung di ko kukunin... ininom ko ang beer. Nakadalawa akong bote at nagtanong siya kung may problema... una hindi ako nagsalita pero sinabi ko na rin sa kanya. Nag break kami ng syota ko at masama ang loob ko dahil bumalik yung dati niyang syota after 6 months at mahal pa raw niya ito. Graduating kami ng high school at hindi pa sanay uminom.


"Para 'yun lang... marami dyan sa tabi-tabi at magaganda pa... hindi lang siya ang babae," amo niya. Tumabi siya sa akin at inakbayan ako... ngayon niya lang ginawa ang pag-akbay sa akin. Siguro naaawa... kaya hinihimas ang buhok ko. "Salamat Bryan, buti ka pa lagi narito pag may problema... kung naging babae ka lang swerte ang syota mo," sabi ko. "Ikaw lang naman kasi ang kasundo ko... kaya napagtitiyagaan kita," sabay kiliti sa akin. "Ah ganon pinagtityagaan mo lang ako ha," bawi ko at nagsimula na kaming magkilitian at tawanan. Sa bilis ng kiliti niya ay napahiga ako sa sopa at napadapa siya sa akin... nagkalapit ang aming mukha... tinitigan niya ako na parang nangungusap at dahan dahan niyang nilapit ang labi niya sa labi ko. Umiwas ako ng bahagya... hinawakan niya ang aking pisngi at muling tinapat ang mukha ko sa kanya. Pumikit ako at hinayaan siyang ilapat ang labi sa labi ko. Ilang minuto niya akong hinalikan ngunit nagpilit akong bumangon... marahil sa pagkakabigla ay umupona lang ako ng nakatingin ng tahimik sa sahig.


"Sorry John, pasensiya ka na... may sasabihin sana ako sa iyo," bungad ni Bryan. "Baka sakali lang na maintindihan mo pero kung hindi... hindi kita masisisi. Matagal na rin tayong magkaibigan... mas maganda na malaman mo hanggat maaga. Unang taon sa high school ng maramdaman ko ito... masaya ako pag kasama ka... nasasaktan ako pag may iba ka na namang syota... pero napapalitan ng saya pag nakikita kitang maligaya. Akala ko okey lang kasi ganon talaga dahil bestfriend tayo pero ngayong ga-graduate na tayo, mas mabuti na malaman mo," patuloy niya. "Mahal kita John, mali man pero iyan ang nararamdaman ko sa iyo... hindi ko nga maintindihan," pahayag niya. Natigilan ako sa mga sinasabi ni Bryan... pero hindi ko magawang magtanong. Pilit kong pinaglalabanan ang galit at inis... sa isip ko bakit nga ako magagalit... wala naman siyang masamang ginawa sa akin at sa mahabang panahon walang kasing saya ang aming samahan. Gayunpaman hindi ko maipaliwanag ang aking saloobin dahil sa pagkakabigla.


Ilang minutong katahimikan at "Sana maintindihan mo ako John," ang huling kataga na umukilkil sa isipan ko. Mula noon bihira ko na makita si Bryan at saglit rin kaming nagkita noong graduation.


Isang linggo matapos ang graduation nagpunta ako sa kanila upang sabihin na naiintindihan ko siya at wala akong nakikitang dahilan para magbago ang samahan namin. Nakita ko sa kaniya ang pagpapahalaga sa isang tao. Tapat siyang kaibigan. Siya pa rin ang bestfriend ko kahit ganon siya. Marami akong dapat sabihin sa kanya at alam kong ikatutuwa niya. Kung akong kaibigan at pinakamalapit ay tatalikuran siya paano pa ang iba. Basta ang alam ko kaibigan ko siya at kakalimutan ko yung nangyari dahil ayokong masira ang samahan namin dahil lang sa pag-amin ng damdamin niya.


Kumatok ako sa kanila at hinanap si Bryan. Tiyuhin ang humarap sa akin at sinabing umalis na raw sila Bryan pumuntang US para ipagpatuloy ang pag-aaral. May iniwan daw sulat para kay John. Nagpakilala ako at binigay sa akin ang sulat. Para akong binuhusan ng malamig na tubig... mabigat ang loob na nagpaalam sa may bahay. Binasa ko ang sulat at di ko namalayan na tumutulo ang aking luha. Ngayon lang ako nakaramdam ng kawalan... masikip sa dibdib... sana hindi muna ako umalis ng gabing iyon... sana niyakap ko na lang siya at inintindi... sana biniro ko na lang na walang kaso kung ganon siya. Maraming sana... kasama ng panghihinayang... pero alam ko na hindi nagbago ang pagtingin ko sa kaibigan ko... alam ko isang araw babalik din siya.


Lumipas ang panahon at natapos ko ang kolehiyo at nakapagtrabaho na rin. Panibagong pakikibagay, pakikisama at pagsuong sa hamon ng buhay. Pero hanggang ngayon hindi ko nakakalimutan si Bryan. Marami na ring babae ang dumaan sa buhay ko at ngayon ay handa na akong lumagay sa tahimik. Si Diana ang nagpatibok ng aking puso at ngayon hinihintay ko sa labas ng simbahan para sa aming kasal.


Buhay nga naman... masarap balikan ang nakaraan lalo na yung mga taong nagbigay sa iyo ng importansiya... nagpatibay ng iyong loob at tumulong sa maraming bagay. Ganon pala iyon pag may taong nagbigay ng halaga sa iyo... bigyan mo rin ng halaga...walang kundisyon... walang pagdududa... tanggapin ang pagkatao ng buong buo.


Dumating ang kotseng puti at lumabas si Diana... napakaganda niya... binati ako ng ngiti at hinanda na namin ang mga sarili sa seremonyas. Dumako ako sa unahan para salubungin ang kanyang pagpasok hatid ng kanyang ama. Naupo kami sa harap at nagsimula ang litanya. Maganda ang sermon ng pari at tumatagos sa aming puso... halos ang tuon ng aking pansin ay sa aking kabiyak at ang espesyal na araw na iyon.


"You can now kiss the bride," ito ang pumukaw sa akin at nagbalik sa aking ulirat... masuyo kong hinagkan ang aking kabiyak at nagpalakpakan ang lahat. Kinamayan kami ng mga tao at nagpakuha ng litrato. Papunta na kami sa handaan ng maalala kong magpasalamat sa pari. Nagpaumanhin ako dahil sa excitement at inimbita siya sa handaan. Pumayag naman siya at nangakong susunod. Noon ko lang natitigan ang maamo niyang mukha... nakangiti. Saglit din kaming nagkatitigan.. nangusap ang mga mata at di ko napigilan na yakapin siya. "Bryan, ikaw ba yan?" bulong ko. "Kala ko nakalimutan mo na ako," sagot niya. Naghiwalay kami sa pagkakayakap na may luha ang mga mata... luha ng kaligayahan. Inabot niya uli ang kamay na may ngiti.


"Congratulations John... I love you," masaya niyang bati. "Salamat Bryan... I love you too Father," sagot ko.


Humakbang na ako papalapit sa aking asawa na naghihintay bagamat nagtatakang nakangiti sa akin. Kahit ako ay nakangiti rin dahil sa labis na kasiyahan dahil alam kong isang lalaki lang ang kaya kong pagsabihan ng I love you... tulad ng dati.




-Wakas-

| Nilabasan si Mr. LeeBog ng 11:28 AM |




© Mr. LeeBog 2005 ~ Powered for Blogger by Blogger templates